News
MCSians, kumusta ang inyong unang linggo sa klase? Bukod sa pagbubukas ng klase sa MCS, sabay-sabay rin nating ipagdiriwang ang pagbubukas ng Buwan ng Wikang Pambansa 2022 na may temang
MCSians, kumusta ang inyong unang linggo sa klase?
Bukod sa pagbubukas ng klase sa MCS, sabay-sabay rin nating ipagdiriwang ang pagbubukas ng Buwan ng Wikang Pambansa 2022 na may temang "Filipino at mga Katutubong Wika: Kasangkapan sa Pagtuklas at Paglikha".
Ngunit bago ang lahat MCSians, maaari ba ninyong ibahagi muna ang inyong naging mga karanasan sa nakalipas na pagdiriwang natin ng Buwan ng Wikang Pambansa? Ikomento lamang ninyo ang hindi malilimutang karanasan. Pwedeng-pwede rin kayong maglagay ng inyong mga larawan. Huwag kalimutang gamitin ang #Balik-Tanaw #BuwanNgWikangPambansa at #proudMCSian. Takits sa comment section!
Kinikilala ng Manila Cathedral School ang kahalagahan ng pagtataguyod ng Filipino at mga katutubong wika bilang pangunahing sangkap sa pagpapanatili ng ating pagka-Pilipino. Kaakibat ng pagkakaroon ng maraming pulo ng Pilipinas ay ang pagkakakaroon ng iba't ibang mga wikang sinasalita. Ito ang mga wikang sumisimbolo sa pagkakakilanlan, pamumuhay, at mayamang kultura ng mga katutubo. Marapat na mapaigting ang pag-iral ng Filipino at mga wikang katutubo sa pamamagitan ng paggamit ng mga ito bilang mga daluyan ng kaalaman at kamulatan sa iba't ibang larangan.
Sa pangunguna ng Kagawaran ng Filipino, tumitindig ang mga guro sa yamang hatid ng Filipino at ng mga wika bilang pundasyon sa patuloy na pagsasabuhay ng mga gawain sa pagtuklas at paglikha. Kaya naman bilang pakikiisa sa makabuluhang pagdiriwang na ito, narito ang mga gawain at paligsahang inihanda na aktibong lalahukan ng ating MCSians:
- Awitin Mo, Isasayaw Ko!
- 1, 2, 3... Hulaan Mo!
- SAHULUGAN (Salita Ko, Kahulugan Mo)
- Mahalikha: Pasalitang Tula
- WikaTrivia
- Pagbigkas ng Maikling Tula
- Batang Kuwentista
- Talumpatian sa Changing Normal
- Dramatikong Monologo
- Pista ng Pinilakang Tabing 2022
Ipakita mo ang iyong galing.
Ipagmalaki mo na ikaw ay isang talentadong Pilipino.
Kaya naman MCSians, tara na at makilahok!